FABayani Friday CHERYL D. QUINTOS
Kilalanin ang ating unang #FABayani na si Cheryl D. Quintos, ang isa sa mga nanalo bilang 2019 FAB Exemplary Worker!
Bago pa man pumasok sa Perpetual Prime Manufacturing Inc. (PPMI) si Cheryl noong 2015, una na siyang nag-working student sa Mitsumi Philippines Inc. ngunit dahil sa hirap ng buhay ay piniling huminto sa pag-aaral at bumalik sa Olongapo para mag-trabaho at paaralin ang kanyang kapatid. Makalipas ang ilang taon ay bumalik siya sa Mariveles, Bataan upang pursigihin tapusin ang kanyang pag-aaral, hanggang sa sa siya ay makatapos ng kursong Business Administration sa Polytechnic University of the Philippines – Bataan noong 2012.
Isa si Cheryl sa mga pioneer employees ng PPMI na tumulong magtatag ng pundasyon ng kumpanya lalung-lalo na sa seksyon ng shipping.
Sa nakalipas na limang taon niya sa PPMI, nagsumikap si Cheryl na maging mahusay, masipag at matiyaga sa kanyang pagtatrabaho. Hindi niya alintana ang pagod at tagal ng oras sa pagta-trabaho, malinis at kahanga-hanga rin ang kanyang track record bilang empleyado at ipinamalas ni Cheryl ang kanyang buo at totoong suporta sa PPMI sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng mabuti at pakikilahok sa mga programa, proyekto at aktibidades nito.
Dahil rito, makalipas lamang ang dalawang taon ay nakatungtong siya mula sa pagiging Shipping Staff paakyat ng Shipping-Section Head – isa sa mga middle managers ng PPMI. At noong 2018, si Cheryl ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa performance evaluation ng kumpanya para sa mga indirect personnel. Kasalukuyang nagpupursigi si Cheryl upang tapusin ang kanyang Master’s Degree sa Bataan Peninsula State University habang pinagsasabay ang pagtatrabaho at pagiging ina.
“Ako po ay simpleng manggagawa na nangarap at patuloy na nagsikap. Naging tapat sa paghahanap-buhay, may puso at pursigido sa buhay para mag-tagumpay. At ngayon po ay napakasaya ng puso ko po kasi malaki na ang PPMI,” ani Cheryl.
Totoo nga! Na kahit gaano man karami ang pagsubok sa buhay at gaano man kataas ang gusto mong tahakin o pangarapin, ay makakamit mo ito sa sipag at tiyaga. Patunay si Cheryl na ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap.
#FABayaniFridays
#WeAreFAB
#AtinIto
Written by
AFAB